30 Persons Deprived of Liberty ng BJMP Maguindanao del Norte, matagumpay na nagtapos ng handicraft training sa tulong ng provincial government
- Diane Hora
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na nagtapos sa handicraft training ang tatlumpong Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Maguindanao del Norte Provincial Jail.
Ito ay sa tulong ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte na bahagi ng pagdiriwang ng ika-3 taong pagkakatatag ng probinsya.
Sa loob ng isang linggo, tinuruan ang mga tatlumpong PDL sa paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng bag.
Ito ay sa ilalim ng handicraft training program handog ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte.
Ang correctional services support program at handicraft training program ay bahagi ng selebrasyon ng ika-3 taong pagkakatatag ng lalawigan.
Tema ng programa, Empowerment through handicrafts kung saan tinuruan ang mga PDL na gumawa ng bag at iba pang produkto gamit ang water hyacinth.



Comments