306 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit 2 million pesos, nasamsam sa buy-bust operation sa Maramag, Bukidnon; 6 indibidwal, arestado
- Teddy Borja
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang milyong piso na halaga ng suspected shabu ang nasamsam din ng awtoridad sa buy-bust operation sa bayan ng Maramag. Anim na indibidwal, arestado rin sa operasyon.
Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Bolantoy”, 42-anyos, residente ng Davao del Sur, “Toper”, 45-anyos, “Rey”, 35-anyos, “Dodong”, 25-anyos, “Takloy”, 27-anyos, at “Lalen”, 23-anyos, pawang mga residente ng Maramag.
Ayon sa pulisya, pangunahing target ng operasyon si “Bolantoy” na naaresto na umano sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga noong 2023, habang ang iba pang nadakip ay itinuturing na mga first-time offenders.
Nasamsam mula sa operasyon ang 10 heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 306 gramo.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Maramag MPS at Bukidnon Police Provincial Office ang mga suspek para sa wastong disposisyon. Isasampa laban sa kanila ang kaso sa ilalim ng Section 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments