308,934 BENEPISYARYO NG AMBAG Mula December 2019-January 2026 na nakapagtala ng P1.26B total disbursement
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Simula nang ipatupad ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro o AMBaG program ng BARMM government, umabot na sa 308,934 beneficiaries ang natulungan ng programa simula nang ipatupad ito December 2019 hanggang January 2026.
Sa bilang, 134,659 ang babae, 70,526 ang lalaki, at 103,749 ang edad, kinse pababa.
85 percent o 264,689 sa kabuuang bilang ang naka avail ng zero balance assistance sa mga pagamutan.
Umabot naman sa kabuuang 1.26 billion pesos ang total disbursement sa program mula December 2019 hanggang January 2026.
Patunay ito ayon sa programa ng maayos, episyente, at responsableng pagpapatupad ng serbisyo publiko.
Ang bawat numero ay sumasalamin anila sa konkretong tulong na naihatid sa mga Bangsamoro na nangangailangan ng serbisyong medikal.
Ang AMBaG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ng Interim Chief Minister sa rehiyon.



Comments