31-anyos na babae, timbog sa buy-bust operation ng awtoridad sa MB Kalanganan, Cotabato City
- Teddy Borja
- May 22
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Bailyn”, 31 years ols, hiwalay, walang trabaho at residente ng Purok Kalimudan, MB Kalanganan, Cotabato City.

Sa report ng awtoridad, positibong nabilhan ang suspek ng isang nagpanggap na poseur buyer ng tatlong pirasong maliliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang bigat na 0.10 gramo at nagkakahalaga ng 680 pesos.

Narekober mula sa aktwal na pag aari at kontrol ng suspek ang isang pirasong five hundred pesos at isang pirasong two hundred peso bill na buy-bust money sa operasyon.

Ang nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa RFU-BAR para sa eksaminasyon.
Sasailalim din sa mandatory drug test ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Police Station 4 ng Cotabato City Police.
Comments