32 anyos na babae, patay sa pamamaril sa Kidapawan City
- Teddy Borja
- Jan 10
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang 36-anyos na babae matapos barilin alas 6:30 kaninang umaga sa Purok 2, Suerte Subdivision, Barangay Sudapin, Kidapawan City.
Angelie Agapay Batingkay. Isang private employee at residente ng Magsaysay, Kidapawan City.
Sa imbestigasyon ng Kidapawan City Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang barilin ito ng hindi kilalang salarin.
Dalawang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima.
Blanko pa ang otoridad sa pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa krimen.
Comments