32-anyos na lalaki na Top 9 Regional Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Tacurong City, Sultan Kudarat
- Sep 17, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 9 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.
Ang suspek ay 32-anyos.
Inaresto ito, araw ng Biyernes, September 12 sa Purok Dahlia, Barangay Baras, Tacurong City sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 20, Tacurong City na may petsa na Enero 16, 2025.
Ang operasyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng magkatuwang na aksyon ng Tacurong City Police Station, CIDG-Sultan Kudarat Provincial Field Unit (PFU), at 4th Special Action Battalion ng PNP-SAF, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Bernard Lao, Provincial Director ng SKPPO.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-SK PFU para sa kaukulang disposisyon.



Comments