top of page

32-anyos na magsasaka sa Tubod, Lanao del Norte, arestado matapos isilbi ng awtoridad ang kasong statutory rape

  • Teddy Borja
  • 31 minutes ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Sa Lanao del Norte-


Timbog ang isang magsasaka matapos isilbi ng awtoridad ang kasong statutory rape.


Kinilala ang suspek na si alyas “Jonel”, 32 taong gulang, residente ng Purok 4 Barangay Bualan ng bayan.


Hinuli ito araw ng Miyerkules, June 25.


Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Tenth Judicial Region, Branch 7, Tubod, Lanao del Norte na may petsa na February 27, 2025.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Tubod MPS ang akusado para sa karagdagang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page