top of page

45-anyos na lalaki na residente ng Mother Kabuntalan, patay sa pamamaril sa Cotabato City

  • Teddy Borja
  • 3 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Sa Cotabato City-


Patay ang isang 45-anyos na lalaki na residente ng Mother Kabuntalan matapos barilin sa Rosary Heights 7 sa lungsod.



Kinilala ang nasawi na si Asraph Karim alyas Raffy, may asawa. Binaril ito alas 12:30 kaninang madaling araw sa Purok Pag-asa.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 2, agad isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima para sa medikal na atensyon ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.


Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang sampung fired cartridge case at dalawang bala na pinaniniwalaang mula sa caliber .45 na uri ng baril. Ang mga nakuhang ebidensya ay ipapasa sa RFU BAR para sa Ballistic examination.


Sa ngayon, hindi pa natutukoy ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

 
 
 

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page