top of page

Notorious criminal na may kaugnayan umano sa ISIS-inspired terror group, arestado sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 19 minutes ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Napasakamay ng awtoridad sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur ang isang notorious criminal na may kaugnayan umano sa ISIS-inspired terror group. Ang suspek ay nahaharap sa kasong 3 counts of murder, illegal possession of explosives, illegal possession of firearms at carnapping.


Ikinasa ng awtoridad ang Oplan Pagtugis, araw ng Martes, June 24, 2025 sa Barangay Kaya-Kaya.


Kinilala ang indibidwal sa mga alyas na “Abu Usama,” “Junard Darino,” “Jayrol Darino,” at “Usman Abdullah,”


Ang suspek ay wanted sa kasong 3 counts of murder, illegal possesion of explosives, illegal possession of firearms at carnapping.


Base sa intelligence reports ng awtoridad ang suspek ay dati umanong isa sa mga orihinal na miyembro ng Dawlah Islamiyah-Socksargen Khatiba/Maguid Group, isang ISIS-inspired terrorist faction na nag-o-operate sa South Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat.


Pinaniniwalaan ng awtoridad na aktibong sangkot ang naaresto sa Abdul Halim Sansawi Carnapping Group, isang criminal syndicate na kilala sa pagbibigay ng pondo sa terror operations mula umano sa kita ng carnapping at robbery sa Region 12 at Maguindanao del Sur.


Ang pag-aresto ay isinagawa ng CIDG Maguindanao PFU sa pakikipagtulungan ng Datu Abdullah Sangki MPS, RSOT RFU BAR, 85th Special Action Company, PNP-SAF, Rapid Deployment Battalion, RIAT at CTU-RID BAR, PIU PPO Maguindanao del Sur, RID PRO XII, MAPIO, at Shariff Saydona Mustapha MPS.


Nasa kustodiya na ng CIDG Maguindanao PFU ang naaresto na nakatakdang ipiprisinta sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page