₱326K SUSPECTED SHABU, NASAMSAM sa isinagawang police operation sa Alamada, Cotabato; Suspek, arestado
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Alamada, Cotabato —
Nasamsam ng awtoridad ang 326,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon kung saan arestado rin ang isang indibidwal.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Lando”, 53 taong gulang, at residente ng nasabing lugar.
Sa bisa ng search warrant, matagumpay na nakumpiska ng mga operatiba ang labintatlong sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 48 grams at tinatayang nagkakahalaga ng ₱326,400.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Alamada Municipal Police Station katuwang ang iba pang law enforcement units kabilang ang PDEA at Philippine Army.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Cotabato Provincial Forensic Unit sa Kidapawan City para sa masusing pagsusuri.
Samantala, dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments