top of page

₱329,700 halaga ng pinaniniwalaang mga puslit na sigarilyo, nasamsam sa Glan, Sarangani; 2 indibidwal, arestado

  • Jan 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Mahigit tatlong-daang libong pisong halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya sa checkpoint operation. Arestado rin sa operasyon ang dalawang indibidwal kabilang na ang driver ng sasakyan kung saan isinakay ang suspected smuggled cigarettes


Habang nagsasagawa ng synchronized checkpoint ang mga tauhan ng Glan Municipal Police Station sa National Highway sa Roque Adarna Village, Barangay Gumasa, pinara ang isang pick-up.


Dito natuklasan ang hinihinalang puslit na sigarilyo at minamaneho ng isang 54-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Dan”, kasama ang isa pang pasahero na kinilalang si alyas “Mark”.


Narekober ng awtoridad ang apatnaraan at dalawampung reams ng sigarilyo, na walang kaukulang dokumento at may kabuuang halaga na ₱329,700.00.


Agad na dinala sa Glan Municipal Police Station ang mga nasamsam na sigarilyo para sa wastong dokumentasyon at isasailalim sa turnover sa Bureau of Customs–General Santos City.


Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page