top of page

34-ANYOS NA LALAKI, HULI SA FIREARMS BUY-BUST OPERATION NG CIDG RFU BAR SA MATANOG, MAGUINDANAO DEL NORTE; BARIL AT MGA BALA, NAKUMPISKA!

iMINDSPH



Huli ang 34-anyos na lalaki sa ikinasang firearms buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR sa Matanog, Maguindanao del Norte.



Nakuha sa posesyon nito ang baril at mga bala.



Tiklo ang 34-anyos na lalaki sa ikinasang firearms buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR sa Matanog, Maguindanao del Norte pasado alas-3 ng hapon, araw ng Linggo, October 6.



Nakuha sa posesyon at kontrol nito ang isang caliber 5.56mm rifle na may serial number na RP139569, isang 30 rounder magazine ng caliber 5.56mm, at siyam na bala ng caliber 5.56mm-


matapos itong makipagtransaksyon sa isang police na nagpanggap na poseur buyer.


Bukod sa mga bala at baril, nakuha rin ng otoridad ang Assorted IDs at pitaka ng suspek.


Haharap ito sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, partikular ang Article V , Section 32 o Unlawful Sale of Firearms and Ammunition.


Agad dinala ang suspek sa CIDG Maguindanao PFU Office para sa documentation at proper disposition.


Katuwang ng CIDG sa matagumpay na operasyon ang CIT RIU15, at Maguindanao Maritime Station sa pakikipagtulungan ng Matanog MPS.

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page