345 residente ng Northern Kabuntalan, benepisyaryo ng libreng serbisyong medikal hatid ng Project TABANG
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o Project TABANG ang medical outreach at free medicine distribution sa Barangay Damatog, Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte nitong a bente-uno ng Oktubre.
Layunin ng aktibidad na maihatid ang libreng serbisyong medikal at gamot sa mga residente, partikular sa mga walang kakayahang makapagpagamot sa pribadong klinika o ospital.
Umabot sa 345 na residente ang benepisyaryo sa hatid na serbisyo ng BARMM Government kung saan siyamnapu’t anim ay mga lalaki at nasa 249 naman ay mga babae.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga medical outreach ng Project TABANG upang makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa Bangsamoro region.



Comments