35 anyos na babae, patay matapos barilin sa loob mismo ng isang bahay sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City
- Teddy Borja
- Apr 3
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Nadine Tanghal, residente ng Mother Tamontaka ng lungsod.

Naganap ang pamamaril ala 1:00 kaninang madaling araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakarinig umano ng putok ng baril ang mga residente malapit sa lugar.
Nang siyasatin, nakita ang biktima na nakahandusay sa sala ng isang bahay sa lugar at may tama ng baril sa ulo.
Isinugod pa sa ospital ang biktima pero dineklara ito ng doktor ng pagamutan na dead on arrival.
Commentaires