top of page

35-anyos na construction worker, kulong matapos mahuli sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Kidapawan City

  • Sep 17, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang construction worker matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug operation ng awtoridad


Kinilala ang suspek sa alyas na “Roland”, 35-anyos.


Inaresto ito, araw ng Martes, September 16, 2025 sa Barangay Katipunan ng lungsod.


Nakumpiska mula sa suspek ang anim na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 10.05 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang itim na pouch na tinatayang nasa ₱68,340 ang halaga.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan CPS ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang ang nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri sa laboratoryo.


Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Kidapawan City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at 1st Provincial Mobile Force Company, sa koordinasyon ng PDEA 12.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page