top of page

35-anyos na driver, arestado sa Maitum, Sarangani Province matapos matagpuan sa kanyang minamanehong van ang mahigit P100K na halaga ng smuggled cigarettes

  • Teddy Borja
  • Sep 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang 35-anyos na lalaki na nagmaneho ng van lulan ang mahigit isang daang libong halaga ng smuggled cigarettes.


Kinilala ang naarestong driver sa alyas na “Ed”, residente ng Barangay Pinol ng bayan.


Inaresto ito, araw ng Martes, September 8.


Dakong alas 4:50 ng hapon nang pinigil ng mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon, 2nd PMFC, Sultan Kudarat Police Provincial Office ang van sa isang checkpoint operation sa Purok Kalimudan.


Dinala na ang mga confiscated items at vehicle sa Maitum Police Station para sa proper documentation at disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page