top of page

35-anyos na lalaki, tiklo sa buy-bust operation sa Cotabato City; Hinihinalang shabu, nasamsam

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya.


Kinilala ang naaresto na si alyas “Saddam”, 35 taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Mother Bagua, Cotabato City.


Positibong nakabili ang police poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.08 gramo at nagkakahalaga ng ₱544.00.


Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang suspek at narekober mula sa kanyang pag-iingat ang buy-bust money na isang limang-daang pisong papel.


Ang nakumpiskang ilegal na droga ay ipapadala sa Regional Forensic Unit–BARMM para sa pagsusuri.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page