35-anyos na manggagawa, tiklo sa buy-bust operation sa Bagua 3, Cotabato City
- Teddy Borja
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isa pang buy-bust operation sa Cotabato City, arestado ang isang 35-anyos na manggagawa.
Ikinasa ang operasyon alas 3:25 ng hapon, araw ng Huwebes, September 11 sa Purok 7, Barangay Bagua 3.
Sanib pwersa itong isinagawa ng mga elemento ng Police Station 1 ng CCPO kasama ang 4th Manuever Platton, PNP Maritime Group at PDEA BARMM.



Comments