top of page

35 kasambahay at employers, nakiisa sa public consultation na inorganisa ng MOLE sa pamamagitan ng BTWBP

  • Diane Hora
  • Sep 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagkasa ng public consultation sa Tawi-Tawi ang MOLE BARMM sa pamamagitan ng BTWPB kung saan tatlumpu’t limang kasambahay at employers ang nakiisa, araw ng Sabado, September 6.


Binigiyang diin ni MOLE Minister at BTWPB Chairperson Muslimin “Bapa Mus” Sema kahalagahan ng kapakanan ng bawat kasambahay.


Tinalakay sa pulong ang mga hakbang hinggil sa wage determination, kabilang ang inputs mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT), at Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA).


Tinalakay din ang Wage Order No. BARMM-DW-01, na nagsisilbing kasalukuyan na guiding policy framework sa pagtukoy ng patas na compensation para sa household workers.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng serye ng public consultations na isinasagawa sa iba’t ibang BARMM provinces sa taong 2025 na naglalayong ayusin ang pasahod ng mga kasambahay sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page