35 pamilya sa bayan ng Upi, tumanggap ng emergency shelter assistance mula sa MSSD
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Upang makatulong sa pagsasaayos ng nasirang tirahan ng tatlumpu’t limang pamilya sa bayan ng Upi, kaloob ng MSSD ang tulong pinansiyal sa mga ito.
Sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance (ESA) Program, tumanggap ang mga beneficiaries ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PHP 30,000 hanggang PHP 40,000, depende sa antas ng pinsala sa kanilang bahay batay sa isinagawang assessment.
Ayon sa MSSD, layunin ng ESA Program na tulungan ang mga ito na makabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad sa pamamagitan ng agarang tulong pinansyal na magagamit sa pagsasaayos ng kanilang tirahan.
Dagdag ng MSSD, patuloy ang kanilang pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa agarang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng sakuna bilang bahagi ng mandato nitong palakasin ang katatagan ng mga komunidad at tiyaking may sapat at napapanahong suporta ang mga higit na nangangailangan.



Comments