36-anyos na magsasaka na residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Sep 30
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang magsasaka na residente ng Bulibod, Sultan Kudarat sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Kawe”.
Ikinasa ang buy-bust operation, araw ng Biyernes, September 26 sa Rosary Heights 4 ng lungsod.
Sa report ng awtoridad, positibong nakuha sa suspek ang hinihinalang iligal na droga. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments