top of page

36-anyos na magsasaka na residente ng Talayan, Maguindanao del Sur, arestado sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato; Mahigit P400K halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang magsasaka na residente ng Talayan, Maguindanao del Sur matapos masamsam ng awtoridad ang mahigit 400 thousand pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation.


Ikinasa ang operasyon araw ng Sabado, September 6 sa Barangay Poblacion ng bayan.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Saloy”.


Nakuha mula kay alyas “Saloy” ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng tinatayang 60.1 gramo.


Dinala sa Polomolok Municipal Police Station ang suspek para sa documentation at proper disposition habang ang mga nakumpiskang ebidensiya ay itinurn over sa South Cotabato Provincial Forensic Unit sa Koronadal City para sa laboratory examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page