36-anyos na meat processor sa Cotabato City, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Bagua
- Teddy Borja
- Sep 15
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang meat processor sa Cotabato City sa buy-bust operation na ikinasa ng mga elemento ng Cotabato City Police.
Nakakulong na sa Police Station 4 ng Cotabato City Police Office ang suspek na kinilala sa alyas na “Ken” o “Tol”.
Inaresto ito, alas 6:30 ng gabi, araw ng Huwebes, September 11.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga elemento ng Police Station 4 sa pamumuno ni PMaj Albert Carillo, CPDEU, MBLT 6 at PDEA BARMM.



Comments