top of page

36 Namamasadang Payong-Payong sa Notre Dame Avenue, Rosary Heights 2, Hinuli ng TEU dahil walang lisensiya, expired ang OR at walang plate number ang mga motorsiklo

  • Teddy Borja
  • Jan 10
  • 1 min read

iMINDSPH


Hinuli ng Traffic Enforcement Unit ang tatlumpo’t anim na mga namamasadang payong-payong sa Notre Dame Avenue, Rosary Heights 2, Cotabato City, kagabi.



Ayon kay TEU Chief Rowell Zafra, ang mga hinuli at inimpound na payong-payong ay walang lisensiya, expired ang Official Receipt at walang plate number na naka attached sa motorsiklo.



Pinaiigting ng TEU ang pagpapatupad ng batas trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan sa syudad kung saan kumukuha din aniya ang mga pasahero ng mga payong-payong.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page