top of page

37-anyos na lalaki, arestado matapos positibong mabilhan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 3 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH


ree

Timbog ang isang 37-anyos na lalaki matapos positibong mabilhan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation.


Ikinasa ang operasyon alas 11:30 kagabi, November 5 sa Barangay Tuka ng bayan.


Ang suspek ay kinilala sa alyas na “Spyke”, residente sa lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Sultan Mastura Municipal Police, positibong nabilhan ang suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng nasa isang gramo ng suspected shabu at may estimated market value na ₱6,800.00


Siyam na heat-sealed transparent plastic sachets pa ang narekober sa operasyon na nagkakahalaga ng ₱20,400.00.


Dinala na ang suspek sa Sultan Mastura MPS para sa booking at documentation.


Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11,12 at 15 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page