top of page

37 taong gulang na lalaki, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Isulan, Sultan Kudarat; P81k halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Aug 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kinilala ang suspek sa alyas na “MJ”, may asawa at residente ng Barangay Paraiso, Koronadal City, South Cotabato.


Nasamsam mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may kabuuang timbang na 12 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱81,600 base sa National Standard Drug Price. Nakumpiska rin ang ginamit na marked money na ₱1,000 peso bill.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng Isulan Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Paala ng mga awtoridad na makiisa laban kontra droga sa pamamagitan ng pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad sa inyong komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page