top of page

37 wanted persons, arestado sa Davao Region; ₱8.5M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam sa loob laman ng isang araw na law enforcement operations

  • Teddy Borja
  • Jan 19
  • 2 min read

iMINDSPH


Tatlumpu’t pitong wanted persons ang arestado at mahigit ₱8.5 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng Police Regional Office sa loob lamang ng isang araw na law enforcement operations.


37 indibidwal na kabilang sa wanted list ang nadakip, kung saan 26 dito ay most wanted persons sa regional, provincial, at municipal levels. Ang mga inaresto ay nahaharap sa kaso gaya ng murder, rape, illegal recruitment, estafa, at paglabag sa Republic Act 9165, kabilang ang ilang indibidwal na may kaugnayan sa Communist Terrorist Group.


Kabilang sa mga naarestong Most Wanted Persons sina-


Alyas “Ariel” at alyas “Gori”, kapwa umano miyembro ng Communist Terrorist Group – GF ALIP, na may kasong Murder at walang piyansang inirekomenda;


Alyas "Vin", Top 5 City Level Most Wanted Person, nahaharap sa kasong Murder;


Alyas "Kirov", Top 7 City Level Most Wanted Person, para sa Illegal Recruitment;


Alyas "Teo", Top 8 City Level Most Wanted Person, para sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22;


Alyas "Ols", Municipal Level Most Wanted Person, nahaharap sa kasong Murder at Attempted Murder;


Michel Repe Cardaño, Most Wanted Person, nahatulan sa apat na bilang ng Rape;


Alyas "Rey", para sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165; at


Alyas “Kadong”, para sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165, na walang inirekomendang piyansa.


Bukod pa rito, 50 katao rin ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warning Law.


Isa sa mga highlight ng operasyon ang pagkakadiskubre sa isang abandonadong wing van sa Barangay Camanchiles, Matanao, Davao del Sur, na naglalaman ng 140 master cases ng assorted cigarettes na walang kinakailangang graphic health warnings, na may tinatayang halagang ₱7 milyon.


Dagdag pa rito, nakumpiska rin sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ang daan-daang kahon, libo-libong reams, at libu-libong pakete ng smuggled cigarettes, na may kabuuang tinatayang market value na ₱8,506,562.00.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page