top of page

₱374,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa anti-illegal drug operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; high-value individual, tiklo sa operasyon.

  • Teddy Borja
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang high-value individual sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng awtoridad sa bayan ng Datu Odin Sinsuat kung saan nasamsam ang P374,000 na halaga ng suspected shabu.


Kinilala ang naarestong indibidwal sa alyas na “Halil.”


Ikinasa ang operasyon, araw ng Biyernes, December 5, sa Barangay Poblacion ng bayan.


Ayon sa awtoridad, ang matagumpay na pagkakaaresto ng suspek ay resulta ng pinaigting na intel-driven operation.


Hawak na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at wastong disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page