38-anyos na lalaki sa Cotabato City, arestado matapos mabilhan ng suspected shabu ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang 38-anyos na lalaki matapos bentahan ng suspected shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Inaresto ang suspek ala - 5:55 ng hapon, araw ng Huwebes, July 10 sa Purok Neogan, Barangay Kalangan 2.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Police Station 3 - Cotabato City Police Office sa pamumuno ni PCPT Kenneth Van Encabo, Station Commander, katuwang ang 4th MP, CMCF, at City Police Drug Enforcement Unit. Nakiisa rin ang mga tauhan ng PDEA-BARMM sa operasyon.
Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.
Komentar