₱39.1M halaga ng hinihinalang cocaine, nasamsam sa NAIA; Babaeng pasahero, arestado
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱39 milyong halaga ng hinihinalang cocaine ang nasamsam ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, na ikinaaresto ng isang babaeng pasaherong galing sa ibang bansa.
Ang suspek ay isang 38-anyos na babae na dumating mula São Paulo, Brazil via Doha, Qatar. Sa isinagawang routine X-ray screening, napansin ng isang inspector ng Bureau of Customs ang kahina-hinalang bagay sa loob ng trolley bag.
Agad na isinailalim sa secondary inspection ang naturang bagahe katuwang ang PDEA K9 Unit. Tumugon ang narcotics detection dog na nagbigay ng positibong indikasyon sa presensya ng ilegal na droga.
Natuklasan ang isang tagong kompartimento na naglalaman ng apat na pakete na binalot ng tape, plastik, carbon paper, at foil. Sa isinagawang field test, kinumpirma na ang nakumpiskang substance ay hinihinalang cocaine na may tinatayang standard drug price na ₱39,181,660.00.
Agad na inaresto ang suspek ng mga tauhan ng NAIA Police Station 3.
Ang naarestong suspek, kasama ang mga nakumpiskang ilegal na droga, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group para sa wastong dokumentasyon at disposisyong legal.



Comments