top of page

39-anyos na mangingisda sa Kalamansig, Sultan Kudarat, na nahaharap sa kasong murder, sumuko sa alkalde ng bayan

  • Teddy Borja
  • Oct 16
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumuko sa alkalde ng bayan ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong murder.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Jose”.


Sumuko ito kay Ronan Eugene Garcia, alas 4:35 ng hapon, araw ng Martes, October 14, 2025 sa municipal hall.


Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Assisting Judge ng Regional Trial Court, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat na may petsa na November 15, 2024.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Kasunod ng pagsuko ng suspek, agad itong itinurn over sa Kalamansig Municipal Police Station para sa documentation at proper disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page