top of page

๐Œ๐Ž๐‹๐„, ๐ก๐š๐ง๐๐จ๐  ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐šโ€™๐ญ ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ƒ๐š๐ฒ

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Kasabay ng pagpupugay sa temang โ€œBARMM 2026: Simbolo ng Pagkakaisa, Alaala sa mga Sakripisyo, at Pagpapatuloy ng Mas Matatag na Bangsamoro,โ€ muling maghahandog ng ibaโ€™t ibang serbisyo ang Ministry of Labor and Employment o MOLE bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-7 Bangsamoro Foundation Day.


Isasagawa ang mga aktibidad ngayong araw Enero 21 hanggang 23, 2026, sa dalawang pangunahing lugar: sa Office of the Chief Minister Grounds, Bangsamoro Government Center sa Cotabato City, at sa Provincial Gymnasium, Sultan Kudarat.


Layunin ng MOLE na mailapit sa mamamayan ang mahahalagang serbisyong may kaugnayan sa paggawa at kabuhayan, bilang ambag sa patuloy na pagpapalakas ng pagkakaisa at kaunlaran sa Bangsamoro.


Hinihikayat ang lahat na huwag palampasin ang pagkakataong ito at makiisa sa pagdiriwang, sapagkat sa pagkakaisa, mas pinatatatag ang isang mapayapa at maunlad na Bangsamoro.

ย 
ย 
ย 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page