₱3M Pondo, ipinagkaloob ng AMBAG sa Unayan District Hospital, LDS
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na tinanggap ni Dr. Raquemah Benito-Padate, Chief of Hospital ng Unayan District Hospital, ang tseke mula kay Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan ng Ayudang Medikal Mula sa Bangsamoro Government noong a bente tres ng Oktubre.
Layunin ng AmBAG na mas mapaunlad ang mga pasilidad at serbisyong medikal ng ospital, hindi lamang para sa mga residente ng Binidayan, kundi maging sa mga karatig-bayan sa Lanao del Sur.
Sa patuloy na pagsuporta ni Chief Minister Ahod Ebrahim sa pangunguna ni Chief Minister Abdulraof Macacua at Program Head Asnin Pendatun, ipinapakita ng AMBaG Program ang patuloy na kalinga at serbisyo ng Bangsamoro Government para sa mamamayang Bangsamoro.
Ang programang ito ay bahagi ng Zero Balance Billing initiative ng Bangsamoro Government, na layuning tiyakin na walang Bangsamoro ang maiiwan pagdating sa serbisyong medikal.



Comments