top of page

3RD Quarter (ASHOORA) meeting ng Local Special Bodies ng Sultan Mastura, isinagawa ngayong araw sa pangunguna ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura

  • Diane Hora
  • Oct 13
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

A-dyes ng Oktubre, 2025, ginanap ang 3rd quarter (Ashoora) meeting ng mga Local Special Bodies ng Sultan Mastura Municipality.


Layon ng programang pagtibayin ang koordinasyon ng mga konseho sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapayapaan, kalusugan, kaligtasan, at kaunlaran ng bayan.


Sa pangunguna ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, naging matagumpay ang aktibidad kung saan naibahagi ng mga kinatawan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MDAC), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Municipal Health Board (MHB), Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), Municipal Cooperative and Small Business (MCSB), Municipal Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children (MCAT-VAWC), Municipal Ecological Solid Waste Management Board (MESWMB) at Municipal Development Council (MDC) ang kanilang ulat, pananaw, at rekomendasyon para sa mas maayos na implementasyon ng mga proyekto sa bawat barangay.


Sa hanay naman ng seguridad, inilahad ng PNP, Philippine Marines at BJMP ang mga accomplishments ng ahensya sa nakaraang buwan at nagbigay ng suhesyon upang mapa igtig ang seguridad sa bayan.


Ilan sa mga panukalang inihayag dito ay ang pag adapt ng bayan bilang drug free municipality na ayon pa sa alkalde ay sisimulan sa mga local government officials nito.


Nanawagan din ang opisyal sa mga mamamayan na tulungan siyang sugpuin ang iligal na droga.


Bago matapos ang programa ay inilatag naman ang kanilang Annual Investment Plan sa taong 2026.


Ito ay ang -

- Completion of the gymnasium

- expansion of Children’s Park

- Rehabilitation of MRF

- Road rehabilitation program

- Repair of School building

- Repair of Brgy. Health Station

- Establishment of M.P.B (Multipurpose for the Sanggunian

- Construction of School Building

- Establishment of Municipal Nursery


Nagpapasalamat naman si Mayor Mastura sa mga naging katuwang ng bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page