4,220 indibidwal, hinuli ng awtoridad sa Central Visayas sa iba’t ibang ikinasang operasyon kontra illegal gambling mula January 1-December 31, 2025; ₱620,000 bet money, nasamsam sa operasyon
- Jan 5
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa 4,220 indibidwal ang arestado mula January 1 hanggang December 31, 2025, mula iba’t ibang operasyon na isinagawa ng awtoridad kontra illegal gambling.
Sa mas pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 7 o PRO 7 laban sa ilegal na sugal sa buong taong 2025, 4,220 indibidwal ang arestado sa mahigit 2,700 operasyon na ikinasa mula Enero a-uno hanggang Disyembre a-trenta’y uno.
Isinagawa ang magkakasunod na operasyon laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal kabilang ang illegal number games, card at dice games, Mahjong, Cara y Cruz o hantak, ilegal na sabong, online sabong, at iba pang anyo ng iligal na pagsusugal na banta umano sa kaayusan ng komunidad.
Sa kabuuan ng mga operasyon, umabot sa ₱620,338.00 ang halaga ng bet money na nakumpiska ng kapulisan.
Ayon kay PRO 7 Regional Director PBGen Redrico Maranan, mahalaga ang kooperasyon ng publiko upang tuluyang masugpo ang ilegal na sugal.
Aniya, ang ilegal na pagsusugal ay sumisira sa disiplina, nakakaapekto sa mga pamilya, at nagdudulot ng kaguluhan sa mga pamayanan. Dagdag pa niya, patuloy na ipatutupad ng PRO 7 ang batas nang patas at mahigpit upang matiyak ang isang ligtas at maayos na Central Visayas.
Muling hinikayat ng kapulisan ang publiko na umiwas sa ilegal na aktibidad at pumili ng marangal at legal na kabuhayan bilang bahagi ng kolektibong pagsisikap para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.



Comments