top of page

₱4.4M SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT sa isinagawang checkpoint operations sa Ozamiz City; 4 indibidwal, arestado sa operasyon

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Ozamiz City —

₱4.4 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad sa magkahiwalay na checkpoint operations sa Barangay Labinay kung saan apat na indibidwal ang arestado Arestado ng awtoridad si alyas “Aljun”, 37 taong gulang, kasama si alyas na “Andrew”, 27 taong gulang, kapwa residente ng Ipil, Zamboanga Sibugay.


Sa inspeksyon, nadiskubre ang iba’t ibang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na may kabuuang halagang humigit-kumulang ₱2.6 milyon.


Samantala, sa ikalawang operasyon, nahuli naman sina alyas “CJ”, 23 taong gulang, at alyas “Andy”, 57 taong gulang, kapwa residente ng Dipolog City.


Nasamsam mula sa kanila ang 47 kahon sigarilyo na nagkakahalaga ng tinatayang ₱1.88 milyon.


Ayon sa paunang imbestigasyon, ang mga sigarilyo ay nagmula sa Ipil, Zamboanga Sibugay at nakatakdang ihatid sa Oroquieta City, at pinaniniwalaang binayaran ang mga suspek para sa transportasyon nito.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Ozamiz City Police Station at ituturn-over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warnings Law.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page