₱4.5-M SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM Sa isinagawang anti-smuggling operation ng mga awtoridad sa Zamboanga City; Suspek, arestado sa operasyon
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Ang naaresto ay 24-anyos, residente ng Barangay Baliwasan, Zamboanga City matapos mahuling nagta-transport ng umano’y smuggled cigarettes.
Sa ikinasang joint operation ng City Intelligence Unit ng Zamboanga City Police Office, Zamboanga City Police Station 8, at ng Bureau of Customs, naharang ang isang sasakyan na naglalaman ng kontrabando sa Purok 6, Barangay Sinunuc, araw ng Linggo, March 8.
Nasamsam sa operasyon ang 117 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo, pati na ang isang sasakyang ginamit sa pag-transport ng mga kontrabando.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zamboanga City Police Station 8 ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa customs at tax laws.



Comments