iMINDSPH
Halos limang libong pulis ang ide-deploy ng PNP PRO BAR sa isang daan at labing siyam na bayan at syudad sa limang lalawigan sa BARMM at sa probinsya ng Sulu mula October sa itinakdang mga araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy mula 1 hanggang October 8.
Kabilang dito ang Civil Disturbance Management Contingents, convoy security, at Quick Reactionary Forces.
Pinaiigting ng PNP PRO BAR ang kanilang ipatutupad na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy simula October 1 hanggang October 8, 2024.
Nasa Full Alert Status ngayon ang PNP PRO BAR upang mas higpitan at palakasin pa ang security at operational preparations para sa peaceful at orderly na paghahain ng COC.
4,888 police personnel ang idedeploy ng PNP PRO BAR sa 119 municipalities at cities na nasa ilalim ng kanilang AOR na kinabibilangan ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City.
Kabilang dito ang 1,468 personnel na magpapatupad ng seguridad sa mga ruta at checkpoints-
1,294 naman ang itinalaga na Civil Disturbance Management Contingents-
1,232 ang magsisilbing security personnel-
544 ang nakatuka na convoy security; at 350 na Quick Reactionary Forces.
Nais ng PRO BAR na matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan lalo na ang mga kakandidato na maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy sa lahat ng lugar sa rehiyon.
Mahigpit rin nakikipag ugnayan ang PNP PRO BAR sa iba’t ibang government at law enforcement agencies upang matiyak na ligtas at maayos ang pagsasagawa ng filing ng COC ng mga kandidato habang napapanatili ang pagiging neutral at apolitical stance hanggang sa May 2025 Midterm Elections.
Comments