top of page

4 araw na technical workshop at hands-on training hinggil sa Inclusive Schools Approach – School Information Management System o ISA-SIMS, isinagawa ng MBHTE BARMM

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang palakasin pa ang implementasyon ng Inclusive Schools Approach – School Information Management System o ISA-SIMS, isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang four-day technical workshop at hands-on training sa Cotabato City mula October 20–23, 2025.


Ang hakbang na suportado ng Education Pathways in Mindanao, ay naglalayon na mapahusay pa ang technical capacity ng key personnel hinggil sa pag manage ng school at learner data.


Ang ISA-SIMS ay nagsisilbing essential platform para sa pag organisa ng learner information na malilikom sa pamamagitan ng child mapping at early registration activities. Sinusuportahan nito ang data-driven planning at decision-making sa pamamagitan ng pagtiyak na ang impormasyon ay accurate, accessible, at regularly updated.


Kabilang sa workshop ang practical sessions hinggil sa data processing, storage management, at system optimization upang matiyak ang reliability at efficiency ng ISA-SIMS platform.


Sa pagtatapos ng sesyon, matagumpay na na-updated ng mga partisipante ang latest ISA-SIMS data sa BEMIS Portal, at na-integrate ang submissions mula sa mga paaralan sa buong BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page