top of page

4 CTG members sa Bukidnon, sumuko sa awtoridad bitbit ang kanilang armas

  • Teddy Borja
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Boluntaryong sumuko sa 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 Headquarters, sa Sitio Colon, Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon ang apat ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group.


Kinilala ang mga ito sa mga alyas na “Jelica”, 24 anyos, Political Guide, PSR-listed sa 4th Quarter ng 2019; alyas “Amang”, 26 years old, Supply Officer, PSR-listed sa 1st Quarter ng 2020; at isang alyas “Bandano”, 27 taong gulang.


Ang tatlo ayon sa awtoridad ay mga miyembro ng Squad Uno, Platoon Uno, Guerilla Front Malayag, North Central Mindanao Regional Committee, at residente ng Sitio Nalubas, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte.


Habang ang isa pang sumuko na si alyas “Arnel”, 22 anyos ay miyembro ng ABE, Tersera Platoon, Pulang Bagani Command 3, Southern Mindanao Regional Committee, PSR-listed sa 4th Quarter ng 2014, at Sitio Butay, Barangay Cananga-an, Cabanglasan, Bukidnon.


Isinuko rin ng mga ito ang dalawang Cal. .357 revolver pistol, isang cal. 38 at mga bala at isang rifle grenade kasama ang CTG member’s handbook.


Katuwang ng PNP sa pagsusumikap kaugnay sa mga pagsuko ng mga ito ang AFP.


Nasa kustodiya na ng 1003rd Maneuver Company, RMFB 10 ang mga sumuko para sa debriefing at profiling.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page