4 dating kasapi ng Violent Extremist Group, sumuko sa militar bitbit ang iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng armas
- Jan 12
- 2 min read
iMINDSPH

Boluntaryong Sumuko sa pamunuan ng 6th Infantry Battalion ang apat na dating kasapi ng violent extremist group, araw ng Sabado sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Bitbit ng mga dating FVEs ang iba’t ibang matataas na uri ng sandatang pandigma, kabilang ang isang M16 rifle, isang M1 Garand rifle, isang attached tube M203 grenade launcher, at isang M79 grenade launcher.
Pormal na iprinisenta ang mga ito kay Brigadier General Edgar Catu, Commander ng 601st Brigade, kasama si Lt. Col. Al Victor Burkley, Commanding Officer ng 6IB a-10 ng Enero, 2026 sa himpilan ng 6th Infantry (Redskin) Battalion sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng Mayor ng Datu Salibo, at Omar Sisay, ang kinatawan mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha upang tulungan ang mga nagbalik-loob sa kanilang muling pagsisimula ng mapayapang pamumuhay.
Tumanggap ang ito ng agarang tulong na rice at cash assistance mula sa nabanggit na bayan kasama ang tanggapan ni MP Atty. Sittie Fahanie Uy-Oyod.
Binigyang-diin ni Brig. Gen. Catu ang ipinakitang katapangan ng apat na indibidwal sa kanilang pasyang talikuran ang armadong pakikibaka at piliin ang landas ng kapayapaan.
Hinikayat din niya ang iba pang natitirang kasapi ng armadong grupo na magbalik-loob upang maiwasan ang kapahamakan na dulot ng maling ideolohiya.
Ayon sa kanya, ang 601st Brigade ay katuwang ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Pinuri naman ni Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division ang kasundaluhan ng 601st Infantry Brigade at 6IB kasama ang lokal na pamahalaan sa kanilang masigasig at matagumpay na mga inisyatibang pangkapayapaan.
Hinimok din niya ang iba pang natitirang miyembro ng mga teroristang grupo na magbalik-loob at piliin ang mapayapang pamumuhay kasama ang pamilya.



Comments