top of page

4-DAY WORK WEEK Posible umanong pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East sa pagitan ng US, Israel at Iran

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang hakbang ay tugon umano sa lumalalang krisis sa Middle East na nakakaapekto sa suplay ng enerhiya.


Bagama’t hindi pa ito pormal na natalakay sa pagpupulong ng gabinete, bukas umano ang Pangulo na suriin ang mungkahi, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Ipinanukala ni Senator Sherwin Gatchalian na paigtingin ang 4-day work week o ang work-from-home setup upang makatulong sa mga manggagawa.


Sa ngayon, mayroon nang CSC Memorandum Circular No. 6, s. 2022 na nagpapahintulot sa mga "flexible work arrangements" para sa mga kawani ng pamahalaan ayon pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page