4 drug personalities, timbog sa buy-bust operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; Hinihinalang shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Apat na drug personalities ang naaresto ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Kinilala ang isa sa apat na naarest sa alyas na “John Mark”, nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,400.00, gayundin ang iba’t ibang drug paraphernalia at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Ang mga nakumpiskang droga ay ipapadala sa Regional Forensic Unit BAR para sa laboratory examination, habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments