top of page

4 High-Value Individuals, arestado sa Bacolod City at Palo, Leyte; Mahigit ₱17.1M halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



Apat na High-Value Individuals ang arestado ng Philippine National Police sa magkahiwalay na buy-bust operations kung saan nasamsam ang mahigit ₱17.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu.


Ikinasa ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office ang isang buy-bust operation sa isang residential area sa Barangay Mandalagan.


Dalawang High-Value Individuals ang naaresto dahil sa paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165.


Nasamsam mula sa mga suspek ang buy-bust item, ilang sachet at knot-tied plastic bags ng hinihinalang shabu, ₱6,000 marked money, at iba pang non-drug items. Tinatayang 1,300 gramo ng suspected shabu ang narekober na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱8.84 milyon.


Barangay San Joaquin, Palo, Leyte]

January 12, 2026


Ilang oras lamang ang lumipas, matagumpay ring ikinasa ang isa pang buy-bust operation sa Barangay San Joaquin, Palo, Leyte.


Dalawa pang High-Value Individuals na kinilalang sina alyas "Son" at "Run" ang naaresto.


Humigit-kumulang 1,222 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱8.31 milyon, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya, ang narekober sa operasyon.


Ang lahat ng mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa inquest proceedings sa ilalim ng Republic Act 9165, habang ang mga nasamsam na droga ay isinailalim na sa laboratory examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page