top of page

4 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Kabacan; ₱68K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ng mga awtoridad ang apat na indibidwal matapos masamsam ang libo-libong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation.


Sa operasyon, araw ng Martes, January 20, naaresto ang apat na suspek na kinilalang sina alyas “Ban-ban”, 55 taong gulang, residente ng Kidapawan City; alyas “Jimboy”, 41 taong gulang, residente ng Barangay Kisante, Makilala, Cotabato; alyas “Jazmine”, 35 taong gulang, residente rin ng Barangay Kisante, Makilala; at alyas “Adiw”, 18 taong gulang, residente ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato.


Ang mga suspek ay agad na dinala sa Kabacan Municipal Police Station para sa wastong disposisyon, habang ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay minarkahan at isusumite sa Provincial Forensic Unit sa Kidapawan City para sa qualitative at quantitative laboratory examination.


Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek, na ihahain sa Office of the Provincial Prosecutor.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page