top of page

4 indibidwal, arestado sa checkpoint operation sa Koronadal City matapos masamsam sa kanilang sinakyang kotse ang P680k na halaga ng suspected shabu

  • Teddy Borja
  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Nauwi sa drug bust ang routine checkpoint ng otoridad sa Koronadal City matapos maaresto sina alyas “Gar”, 44-years old at alias “Juls”, 42 years old ng General Santos City; kasama sina alias “Mary”, 42-anyos at alyas “Nels”, 40 years old ng Koronadal City.


Sa report ng Police Regional Office 12-

Pinigil ng kanilang mga tauhan ang isang kotse sa Purok Ligaya, Brgy. Carpenter Hill, alas 3:00 ng hapon, Abril a-3.


Pero imbes na tumalima ay nagpaharurot umano ang driver ng sasakyan.


Pero napatigil pa rin ng sasakyan sa isang interception checkpoint ayon sa PNP PRO 12.


Ayon sa otoridad, naispatan ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu sa plain view sa loob ng console box ng sasakyan.


Ayon sa operating team, tumitimbang ito ng halos 100 gramo na may estimated street value price na Php680,000.


Ang mga suspek at nakuhang ebidensiya ay dinala na sa Koronadal City Police Station para sa wastong dokumentasyon at legal proceedings.


Ang operasyon ay inilunsad ng Koronadal City Police Station, South Cotabato Police Provincial Office, at ng South Cotabato Highway Patrol Group kaugnay sa implementasyon ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page