top of page

4 mag-anak, patay,1 sugatan sa Matalam, Cotabato matapos pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa kanilang tirahan matapos makapag-connect ng wifi sa kapitbahay

  • Diane Hora
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ng awtoridad ang mga biktima na sina Rashid Sahay Mampo, 20 years, isang magsasaka, ang live-in partner nito na dise-sais anyos, at dalawa pang menor edad na onse at dose anyos.


Sugatan ang isa pang menor de edad na katorse anyos.


Naganap ang pamamaril ala 6:45 kagabi, January 29 sa Purok 6, Sitio Esrael Brgy. New Abra, Matalam, Cotabato.


Naglalakad umano ang biktima mula sa bahay ng isang alyas “Ed” para magconnect ng wifi at papauwi na sa kanilang tirahan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin.


Ayon sa pulisya, agad umanong tumakas ang mga suspek patungo sa Sitio Malupayag Barangay New Abra.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page