top of page

4 miyembro ng Dawla Islamiya, sumuko sa pamunuan ng 33rd IB sa Rajah Buayan, Maguindanao Del Sur

  • Teddy Borja
  • Oct 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagbalik loob sa gobyerno ang apat na miyembro ng Dawla Islamiya Hassan at Turaife Group.


Sa isang seremonya, humarap ang mga ito sa pamunuan ng 33rd Infantry Battalion sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, bitbit ang kanilang armas.


Pinangunahan ang seremonya ni 601st Brigade Commander Brigadier General Edgar Catu.


Bilang bahagi naman ng kanilang pagbabalik-loob, tumanggap ang mga ito ng tulong pinansyal mula sa Lokal na Pamahalaan ng Ampatuan, LGU Shariff Aguak, Provincial Government ng MagSur at MPOS habang nagbigay naman bigas ang MSSD.


Nakatakda namang ipagkaloob ng pamahalaan ang mga livelihood training programs upang matulungan silang makapagsimula ng maayos at marangal na kabuhayan.


Naging matagumpay ang pagbabalik loob ng mga ito sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police kasama ang LGU Ampatuan at Shariff Aguak, Provincial Government, Ministry of Public Order and Safety at Ministry of Social Services and Development sa pagbabalik loob ng apat na dating mga miyembro ng Dawla Islamiya Hassan at Turaife Group.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page