top of page

4 na indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Koronadal City; ₱340K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH


Apat na indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation.


Naaresto ang apat na suspek na kinilalang sina alyas “Russel”, 44 taong gulang, residente ng Barangay Concepcion, Koronadal City; alyas “Jason”, 47 taong gulang, residente ng Barangay Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato; alyas “Rocky”, 44 taong gulang, residente ng Barangay Rizal Poblacion, Banga, South Cotabato; at alyas “Calvin”, 38 taong gulang, residente ng Barangay Benitez, Banga, South Cotabato.


Ikinasa ang operasyon, araw ng Martes, January 20 sa Barangay Zone 3 ng syudad.


Ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay isusumite sa South Cotabato Provincial Forensic Unit para sa qualitative at quantitative examination.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Koronadal City Police Station ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page