4 sundalo patay, 1 sugatan matapos tambangan ng armadong grupo sa Munai, Lanao del Norte
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ulat ng militar, sakay ng isang asul na Avanza ang limang tauhan ng TU Tabang at isang miyembro ng 44th Infantry Battalion nang bigla silang tambangan ng hinihinalang grupo ng DI-MG habang nagsasagawa ng kanilang operasyon sa lugar.
Nangyari ang insidente bandang alas-10:26 kaninan umaga sa Purok 1, Barangay Munai, Lanao del Norte.
Ang mga nasawing sundalo ay mula sa 1st Civil-Military Operations Battalion; 106th Infantry Battalion; 97th Infantry Battalion; at 44th Infantry Battalion.
Ang sugatang sundalo ay may ranggo na kapitan mula sa 10th Infantry Battalion, na agad isinailalim sa medical evacuation.



Comments